Pages

Tuesday, November 5, 2013

Guide Questions - Apat na mga Layunin ng Pag-aasawa at ng Pamilya

Basahin ang artikulong ito at sagutin ang sumusunod na mga katanungan:


1. Saan hinango ang mga ideya sa artikulo?

2. Anu-ano ang mga apat na dahilan ng higit na kahusayan ng pag-aasawa kaysa sa pamumuhay ng nag-iisa?

3. Ano ang ibig sabihin na ang pag-aasawa ay “lugar-anakan” ng lipunan?

4. Anu-ano ang mga apat na layunin ng pag-aasawa at ng pamilya?

5. Ano ang dalawang kamalian na dapat iwasan ukol sa layuning pagpapadami ng tao?

6. Ipaliwanag sa iyong sariling pagkaunawa ang kahulugan ng layunin na may kinalaman sa pagdami ng “banal na binhi”?

7. Buudin ang sinabi ni Greenham ukol sa magiging resulta ng pagpapabaya sa layuning pagpapadami ng “banal na binhi”.

8. Magbigay ng dalawa o tatlong mga hakbang na dapat gawin ng isang magulang upang maisakatuparan ang layuning nabanggit?

9. Ano ang dalawang kahatulan na mararanasan ng magulang bunga ng kapabayaan na tuparin ang tungkuling itinakda ng tipan ng pagpapamilya?

10. Ayon kay John Flavel, ano ang tatlong mga dahilan bakit kailangang sanayin ang mga anak sa kabanalan?

11. Ayon kay Perkins, ano ang tatlong mga prinsipiyo na ibinigay ng Diyos sa pagganap ng tungkuling ito?

12. Ano ang dalawang kalabisan na dapat iwasan sa pagdisiplina sa mga anak? Paano maiiwasan ang mga kalabisang ito?

13. Ano ang dalawang prinsipiyo na may kinalaman sa pagtatalik?

14. Ipaliwanag sa iyong sariling pananalita ang iyong pagkaunawa sa ikatlong layunin?

15. Anu-ano ang mga praktikal na pagsasabuhay ng pagtuturo ukol sa pagiging Kristiyanong asawa o ama?

16. Ano ang tagubilin ni Thomas Gataker na may kinalaman sa pagsasanay ng anak na babae?

17. Papaano sumamba ang puritanong pamilya?

18. Paano ipinakita ng mga puritano ang kaseryosohan ng pamilyang pagsamba?

19. Paano ipinagdiriwang ng mga puritano ang araw ng Panginoon?

20. Para sa mga puritano, ano ang batong saligan ng pagbabago ng lipunan?

No comments:

Post a Comment